1. Ang Unang-Partido ay A1 Computer Technician.
2. Ang Ikalawang-Partido ay nagpapagawa at nagpapa mintene ng kanyang Internet Café sa Unang-Partido para sa maayos na takbo ng buong sistemang teknikal ng internet café,
3. Ang halagang babayaran ng Ikalawang-Partido sa Unang-Partido ay Php 500.00 bawat unit sa unang pagpapagawa,
4. Ang maintenance fee ay P200.00 bawat isang unit kada buwan at ito ay babayaran ng Ikalawang-Partido sa Unang-Partido.
5. Ang computation ng babayaran ng Ikalawang-Partido sa Unang-Partido ay depende sa dami ng bilang ng kanilang unit sa bawat Internet Café shop,
6. Ang kasunduang ito ay sa loob ng isang taon at kung nanaisin pa ng Ikalawang-Partido ay pwede pang mag re-new ng kasunduan sa susunod na taon sa gayon ding halaga, gaya ng unang napag-usapan,
7. Ang Ikalawang-Partido ay maaring ibalewala ang kasunduang ito sa loob ng dalawang buwan kung sakali at hindi niya nagustuhan ang serbisyo ng Unang-Partido, subalit kung hindi babalewalain ng Ikalawang-Partido ang kasunduang ito pagkalipas ng dalawang buwan ay otomatikong itutuloy na ang kasunduan hanggang sa loob ng isang taon gayon pa man ay maaring ibale-wala pa rin ng Ikalawang-Partido ang kasunduang ito kung siya ay may sapat at balidong dahilan ng di pagkagusto sa relasyon niya sa Unang-Partido,
8. Kailangan na magbayad ang Ikalawang-Partido sa Unang-Partido ng kanilang maintenance fee bawat buwan gaya ng napagkasunduan, at kung mabigo ang Ikalawang-Partido na magbayad sa Unang-Partido ng kanilang buwanang maintenance fee ay maaring ibale-wala ng Unang Partido ang kasunduang ito,
9. Kung hindi naman pumunta ang Unang-Partido sa patawag ng Ikalawang-Partido pag may nasira sa alinman sa computer set ng Ikalawang-Partido sa loob ng hanggang (5) limang araw, na walang balidong dahilan ay hindi babayaran ng Ikalawang-Partido ang kanyang maintenance fee sa buong shop para sa nasabing buwan,
10. Kung hindi pa rin nakapunta ang Unang-Partido sa patawag ng Ikalawang-Partido sa loob ng (15) labinlimang araw na walang balidong dahilan, bukod sa nabanggit sa itaas na bahagi (#9), ay magmumulta ang Unang-Partido sa Ikalawang-Partido ng P100.00 bawat unit na sira sa bawat buwan.
11. Ang mga kailangang hardware parts na may sira ay dapat i-provide ng Ikalawang-Partido,
12. Ano mang software na gusto ng Ikalawang-Partido na ipalagay sa kanyang mga computer sets ay dapat i-provide ng Ikalawang-Partido,